Straight from the Philippines


Sa Math Class…

Teacher: Banong, kung meron akong 1 piraso ng karne at hinati ko ito, ilang piraso na?

Banong: 2 po mam!

Teacher: At kung hnati ko pa pareho?

Banong: 4 na piraso po!

Teacher: Hinati ko ulit.

Banong: 8 piraso po.

Teacher: Hinati ko pa.

Banong: 16 po mam.

Teacher: Hinati ko pa?

Banong: 32 piraso na po!

Teacher: Kung hinati ko ulit?

Banong: 64 po! (nakangiti)

Teacher: At hinati ko pa? 2 beses ko pang hinati?

Banong: Ay susmaryosep mam! GINILING napo! GINILING!!!

******

SA BAKERY

Pulubi: Palimos po ng cake.

Ale: Aba, sosyal ka ah! Namalimos ka lang, gusto mo pang cake.. eto pandesal!

Pulubi: Duh! Ate?! Bday ko kaya today?!?

 

******

ANAK: Tay mag-ingat kayo sa DANKTRAK!.

TATAY: ano ung danktrak?

ANAK: Yun pong trak na 10 ang gulong na karga buhangin?

TATAY: Tanga inde danktrak un…TEN MILLER!!!

******

Honeymoon…

BRIDE: Kinakabahan ako. Baka di ko makaya.. Parang natatakot ako.

GROOM- Kaya mo ito. Diba dati may alaga kang ahas?

BRIDE- Oo nga, pero takot talaga ako sa UOD!!

******

BOY: Wala akong kwentang anak para sa inyo! Lahat ng ginagawa ko puro mali!

Lagi nalang ako mali!!! Di ‘nyo na ako mahal!

AMA: Nagkakamali ka anak.

BOY: Shet! Mali na naman ako!!!

******

Nanay: Ang lakas mo kumain pero di ka mautusan. Ang kapal mo!

Anak: Kapag yung baboy natin malakas kumain, natutuwa ka. Sino ba talaga ang

anak mo, ako o ung baboy? Umayos ka nay! Wag ganun!

******

BF : May ibibigay akong gift sayo, pero hulaan mo muna!

GF: Sige, clue naman…

BF: Kailangan ito ng leeg mo.

GF: Kwintas?

BF: Hindi… PANGHILOD! SMILE!!!

******

(Sa loob ng Mall)

GUY: LOVE, yan ang dati kong girlfriend.

Jowa: Ang pangit pangit naman!

GUY: Wala akong magagawa, yan talaga ang weakness ko ever since…

******

FROG: what does my future hold?

FAIRY: you’ll meet someone who wants to know everything about you.

FROG: great! Will I meet her in a party?

FAIRY: no. in biology class

******

Things you don’t want to hear during your own surgery:

-san yung gunting na bago? Bat may kalawang to?

-10ml? may nakasurvive na ba dyan? Sabi ko 5ml lang!

-doc, ubos na po pala yung anesthesia.

-kanina pa bukas yung tiyan, asan yung pantahi?

-sunog! Sunog! Labas lahat!

******

inspiring quote of the day:

“hindi ako tamad. Hindi ko lang alam kung saan ko ibubuhos kasipagan ko.”

******

MRS: hon, am I pretty or ugly?

MR: uhm.. both..

MRS: anong both? Pwedeng pretty and ugly?

MR: ang ibig ko sabihin, you’re pretty ugly.

******

TEACHER: okay class our lesson for today is science. What is science?

PEDRO: ako ma’am! Ako ma’am!

TEACHER: okay Pedro, what is science?

PEDRO: science is our lesson for today.

******

AMO: inday, paalisin mo nga yung pulubi sa labas ng bahay.

(nilabas ni Inday)

INDAY: off you go! Under no circumstance this house would relent to such

unabashed display of vagrant destitution!

PULUBI: oh! I’m so ashamed! Such a mansion of social climbing freaks!

(nakakuha na ng katapat si Inday!)

NOSEBLEED!!

******

BOB: nakakamagkano ka sa 1 araw?

PULUBI: nag-uumpisa kasi ako ng 8am. Ngayon 9am na. naka 80 na ko.

BOB: hindi din masama noh? Ano mabibili mo niyan?

PULUBI: pwede na tong isang espresso macchiato sa starbucks!

******

DOC: umubo ka!

PEDRO: ho! Ho! Ho!

DOC: ubo pa!

PEDRO: ho! Ho! Ho!

DOC: okay.

PEDRO: ano po ba sakit ko doc?

DOC: may ubo ka.

******

in a gay pageant:

HOST: how can we uplift our economy today even though we are under economic

crisis?

BAKLA: (namutla) mga bakla! Akala ko ba miss gay ito? Quizbee pala!

******

1. Trulalu

2. eklavu

3. eklavu

4. trulalu

5. eklavu

6. trulalu

7. trulalu

8. eklavu

9. trulalu

10. trulalu

-batang bading nagsasagot ng true or false na quiz.

******

MEKANIKO: sir, hindi ko po naayos preno ng kotse niyo.

CUSTOMER: ha?! Pano yan?

MEKANIKO: nilakasan ko na lang po ang inyong busina! Happy trip na lang po!

******

Divorced father: anak pag-uwi mo bigay mo sa nanay mo itong cheke at

sabihin mo 18 yrs old ka na, huling cheke na makukuha niya for child

support tapos tignan mo kung ano ang expression ng face niya.

Anak: mom, sabi ni dad bigay ko daw sayo itong cheke, last support na niya

ito sakin kasi 18 na ako. Pagkatapos tignan ko daw expression ng face mo.

Mom: sa susunod na pagbisita mo sa kanya paki sabi salamat sa suporta kahit

di mo siya tatay! Pagkatapos tignan mo expression ng face niya!

******

BOY: dad, tulong naman sa assignment ko. Find the least common denominator

daw.

DAD: ha? aba’y elementary pa lang ako eh hinahanap na nila yan ah! Aba’y di

pa ba nila nakikita?

******

Anong sabi ng centipede nung may nakasalubong siyang isang centipede?

“uy pare. Apir!apir!apir! apir!apir! apir!apir! apir!apir! apir!apir!

apir!apir! apir!apir! apir!apir! apir!apir! apir!…. ……

******

Imagine if all straight guys are talking in gay lingo.

STUDENT: bakit di mo chinuva yung girlalu? Malaki naman ang susey ng lola

mo ah.

HUNK: Winnie cordero nga dude sa susey, Melanie marquez naman sa

brainwaves. Wit na.

******

BOY1: nakakakawa naman lola mo.

BOY2: bakit?

BOY1: nakasabay ko kasi magsimba nung isang araw, ubo ng ubo.

Pinagtitinginan nga ng tao.

BOY2: papansin lang yun!

BOY1: bakit?

BOY2: bago kasi blouse niya!

******

A boss confused about his Math asked his secretary:

If I give you P3M less 17%, how much would you take off?

SECRETARY: everything sir! Dress, bra, panty!

******

TEACHER: mga bata, alam niyo ba na ang bawat butil ng palay ay galing sa

dugo’t pawis ng mga magsasaka?

MGA BATA: eeewwww!

******

BOY: is this your first time?

GIRL: (angrily) oo naman noh. You guys talaga. So kuleeet! Always asking me

the same question. Paulit-ulit. Hmp!

******

Magsyota sa motel.

BF: alam mo love, ikaw ang first girl na dinala ko dito.

GF: sinungaling. Sabi nila lagi ka dito!

BF: oo, pero ikaw lang talaga ang girl!

******

STUDENT: ma’am, pagagalitan niyo po ba ako sa bagay na hindi ko naman

ginawa?

TEACHER: natural hindi.

STUDENT: good, di ko po ginawa assignment ko!

******

TITSER: bat ka na-late?

EDWARD: nawalan ho kasi ng 500 yung lalaki.

TITSER: tinulungan mo siyang maghanap?

EDWARD: hindi po, tinapakan ko lang hanggang umalis siya.

******

Sabi nung friend ko, nakakalaki daw ng tiyan ang beer. Kasi noon minsan

nalasing siya, nabuntis siya!

******

SA OSPITAL…..

WIFE: hon, nahirapan ako huminga.

HUSBAND: kung nahirapan ka ng huminga, itigil mo na.

******

GF: magaling! At sino tong baby na nagtext sayo?

BF: ah eh kumpare ko yun! Lalake yun! Baby lang palayaw.

GF: oh eto replyan mo. Hindi daw kayo tuloy at may mens daw ang tarantado!

******

INA: anak, tawagan mo nga tatay mo sa celfon. Pauwiin mo dito.

[pagkatapos tawagan.]

ANAK: nay, babae po ang sumagot.

INA: lintik, sinasabi ko na nga ba, may tinatago yang tatay mo eh! Anong

sabi?

ANAK: ‘you only have zero pesos in your account…’ hindi ko na tinapos nay

mukhang matapobre.

******

PEDRO: niloko ko yung tindera kanina.

JUAN: paano mo naman niloko yung tindera?

PEDRO: nagpaload ako eh wala naman akong celfon.

****** 

DORAY: mare, kulang pa kami ng isang miyembro. baka gusto mong sumali sa

paluwagan.

PINANG : hindi pa ako pwede, mare.

DORAY: bakit mare?

PINAY: virgin pa kasi ako.

— copied from some stress reliever posts..

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s