Ang Liham – KrazyKyle ft Yumi

Chorus1:

Sa bawat oras at minuto ikaw ang nasa isip ko
Pero nasasaktan akong nilisan ko ang puso mo
Ang pag-ibig ko sayo hindi nagbago
Pero sana nga hindi na lang
Binitawan ang salitang paalam

Nakilala ko sya sa aming eskwela
Bayan ng Isabela
Sa pag-aaral tumigil pamilya’y kulang sa pera
Magandang binibini
Pangarap nya’y maging modelo
Nakikita sa tv
Yung katamtaman ang sweldo
Sabay kaming naglalakad kapag gabi’y papasok
Tuwing umaga ako’y sabik kahit na medyo antok
Kapag kumakatok sa bahay nya
Sumasagot ang nanay nya
Asan na ang tatay nya
Tanging marka ay latay nya
Sa likuran, sa hita ay panay ang pasa
Isang amang walanghiya
Wala akong magawa
Sarah nga pala ang pangalan nya
Nilisan ang tahanan nya
Ask my mom, “asan si Sarah?”
Ewan ko tinanan nya
Nagsama ng isang lingo
Nabuhay sya sa piling ko
Aming pera kulang
Tinalikuran ng magulang ko
Ang sabi nya “mga awit mo aking kakantahin
Magja-Japan lang ako, kaya mo ba kong hintayin”

(Chorus1)

Mga lugar yun ng madudumi
Ba’t dun ka pa magpupunta
Walang ibang trabaho dun kundi pagpuputa
Sabi nya “ndi yan totoo aawit lang ako
An entertainer parang ikaw
Di ba pangarap mo to”
Siya’y umawit sa Japan
Siya’y pinapalakpakan
Isang gabi sa VIP room si Sarah ay pinagsarhan
Sabi ng hapon “lock the door”
Sabay katok ng mamasan
“Wag kang maarte Sarah ha, pinasok mo yan”
Siya’y walang magawa
Tuwing gabi nakakulong
Nagpadala ng liham para humingi ng tulong
Pagdating ng liham samin ay hindi ko to binasa
Sa halip aking pinunit nawalan na ng pag-asa
Umuwi si Sarah sa Isabela buntis at luhaan
Tanging dala nya’y ang kanyang buhay at lilimang-daan
Pinandirihan ko at sya’y aking iniwasan
Sya’y lumuha habang ako problema’y aking tinakasan

Chorus2:

Sa bawat oras at minuto ikaw ang nasa isip ko
Anong ginagawa ang tumatakbo sa isip ko
Ang pag-ibig ko sayo hindi nagbago
Ang liham mong tinapon ko
Na dapat man lang ay binasa ko

Makalipas ang ilang taon
Si Sarah ay nakaahon
Nagtrabaho sa call center
Kinalimutan ang kahapon
Nakakilala ng lalake na may-kaya at mayaman
Sana ako na lang yun ako ngayo’y nanghihinayang
Makalipas ang ilang buwan sa cellphone ni Sarah
Nagtext si mamasan ang sabi nya “kailangan mo ng pera?
May hapon ditong nagpapahanap ng bagong asawa
Dati mong customer, sya yung dati mong nakasama”
Okay na sana ngunit ang unang nakabasa ay asawa ni Sarah
Sya’y sinapak at sya’y tumama sa bintana
Mata nya’y tinamaan ng basag na salamin
Wala na sya ngayong asawa wala na ring paningin
Sana di ko sya pinabayaan
Di ko sana hinayaang pagdaanan niya ang hirap na naranasan
Sana ngayon ay nakikita nya ang aking mukha
Kabayaran ba to ni Sara sa pagiging dukha
Kaya ngayon I raise my glass
Sa harap ng buong mundo
Pasensya na’t medyo madrama ang awitin kong to
Di pa huli ang lahat para matutong magmahal
Salamat sa inyong lahat sa pagdalo saming kasal

(Chorus1)

 

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s