Razorback

razorback

razorback2

 

Hebigat Sounds Vol. 1 (1995)

TABI NG BULKAN

Paggising sa umaga
Ang ulo ko’y masakit
Ang bigat ng feeling
At ang baho ng singit

Hindi pa ako makabangon
Umiikot pa ang kwarto ko
Kailan pa ako matututo
Sumabog na naman ako

Pumutok ang bulkan
Prinitong utak ko
Sumobra sa usok
At ako ay nabobo

Hindi na ‘ko babangon
Ang sarap ng tulog ko
Hindi na ako matututo
Sumabog na naman ang bulkan

Ayoko ng ganito
Magpapakatino na lang ako
Hindi na ako papasok sa ganyang gulo
Hindi na ako kakain ng gulay sa tabi ng bulkan

Hindi na ako matututo
Sumabog na naman ang bulkan

Sumabog ang bulkan
Hayan na naman
Ayoko na nyahahahahan…

PEPE THE HEPE

Meron akong kukwento
Sasabihin ko sa inyo
walang manggugulo
Nang ito’y malaman nyo

Pepe the Hepe
Parating masaya
Si Pepe the Hepe
Nakatawa ang mga mata

Hindi ka nila maintindihan
Hindi ka nila masakyan

Mahaba ang buhok
Itim at nangungulot
Burloloy na walang kislap
Ngipin di kumukutitap

Si Pepe the Hepe
Parating masaya
Naging singkit sa kakahithit
Naubos na kumulang pa

Marami na ang nagsalita
Tungkol sa iyong ginagawa
Nabigay mo na ang oras mo
Pepe the Hepe alaskado

Wooh, Pepe the Hepe
Ang lakas mong mang-inggit
Ubos sayo ang isang guhithit

Ang lakas mong mang-inggit
Ang lakas mong humithht
Pepe the Hepe
Walang sabit
Hahaha

GIYANG

Ang tagal nahintay, ayun na ang beer.
Ilabas ang pulutan, tuloy-tuloy ang lasingan.

Giniyang ka na naman, beer ang nasa isipan.
Tumakbo sa tindahan, baka ka maubusan.
Huwag naman sana.

‘Wag na kayong mahihiya, umorder pa ng toma.
Mag-rock n’ roll ka na lang ‘tol. O, wala ng hihirit pa…

Giniyang ka na naman, beer ang nasa isipan.
Tumakbo sa tindahan, baka ka maubusan.
Huwag naman sana

Giniyang ka na naman. Giniyang ka sa beer.
Giniyang ka na naman…. sa beer!

Hindi ka na nadala. Ayan tuloy, semplang ang yong abot.
Gusto mong lumanding. Ayan tuloy, ika’y napa-swimming.

Giniyang ka na naman, beer ang nasa isipan.
Tumakbo sa tindahan, baka ka maubusan.
Huwag naman sana

Giniyang ka na naman. Giniyang ka sa beer.
Giniyang ka na naman… Bakit kaya?

Giniyang ka na naman, beer ang nasa isipan.
Giniyang ka sa beer..

Giniyang ka na naman…

BEGGAR’S MOON (1997)

PAYASO

Kilala n’yo na ba ako?
Ano na naman ‘tong deliryo?
Dapat bang matuwa?
O dapat malumbay?

Sige lang nang sige
Hangga’t mapanis ang ngiti
Tuloy ang ligaya, sige mangiliti
Handa ka na ba
Para tanggapin ako
Tatawanan n’yo ba
Ang isang payaso

Hindi naman maangas
Hindi rin totoo
Kapag may maskara ang tao
Marami siyang matatago

Trabaho niya’y tumawa
Pero gusto ring umiyak
Sa gusto niya’t hindi
Sila’y magagalak
Handa ka na ba
Para tanggapin ako
Tatawanan n’yo ba
Ang isang tulad ko

Hindi na baguhan
Sa pagkukunwari
Manhid na siya sa lason
Lason ng ngiti
Eskapo niya ‘to sa hirap
At sa sakit ng mundo
Realidad niyang ito
Binibigay sa iyo

Ikaw at ako
May mga maskara din tayo
Kamandag ng katotohanan
Ang siyang lalaya sa isipan

MUNTING PARAISO

Pagkakita ko sa ‘yo
Ikaw ay gising na gising
Iniwan kita’t ika’y naglibot
Gumagandang lalaki pag nasa salamin

Pinili ang asul sa iba’t-ibang kulay
Kasama ang problema, kayang-kayang dalhin
Pinili ang asul sa iba’t-ibang kulay
Kasama ang problema, kayang-kayang dalhin

Nadapa ka
Pero bumangon ka rin
May kausap
Wala siyang maalala kundi salamin

Saan ka na naman nanggaling kagabi
Naglalakad siguro na nakapikit
Sa mata ng iba, ika’y dalang-dala
Nagkalat sa lansangan, gala nang gala

Tubig sa bangketa — ang galing-galing
Gumulong ang mundo, nauwi ka pa rin
Tubig sa bangketa — ang galing-galing
Gumulong ang mundo, nauwi ka pa rin

Binabangungot
Pero bumangon ka pa
May kausap
Ba’t ‘di niya malaman kung saan nagpunta

Alam n’yo ba

(Repeat 1st verse)

Nadapa ka
Pero bumangon ka pa
May kausap
Ba’t ‘di niya malaman kung saan [nagpunta]

Alam n’yo ba
Eh, alam n’yo ba
Alam n’yo ba
Alam n’yo ba

Hindi ka magising-gising
Sa iyong mga panaginip
Kung saan ikaw ay buhay na buhay
Mundong ito ang iyong palaruan

Munting paraiso sa iyong isipan
Munting paraiso sa iyong isipan
Munting paraiso sa iyong isipan
Munting paraiso sa iyong isipan
Munting paraiso sa iyong isipan

Alam n’yo ba
Alam n’yo ba

IKOT NG MUNDO

Sa bawat patak ng ulan, sino’ng nasa iyong isipan?
Sa bawat ihip ng hangin, ikaw lang ang papansin
Sino ba’ng nagpapaikot ng mundo
At paki-para lang po at bababa na ako

Paki-para lang po, bababa na ako

Paghihirap ay nakaukit sa iyong mukha
Mapait ba ang sakit sa iyong mga luha?
Sino ba’ng nagpapaikot ng mundo
At paki- para lang po at bababa na ako

Paki- para lang po, bababa na ako

Nakikita sa iyong mga mata, kalagayan mong malubha
Ngayon ay malaya ka na, kasi wala ka nang sinisinta
Sino ba‘ng nagpapaikot ng mundo
At paki-para lang po at bababa na ako

Paki- para lang po, bababa na ako
Paalam na…